

Bagong Henerasyon ng Pilipinas
Milenyal ng Manila
Kung mahilig ka sa mga panooring Talent Show kagaya ng American Idol o X Factor ay siguradong magugustuhan mo ang Asia's Got Talent. Isang panoorin na mahahanap sa AXN Asia ang Asia's Got Talent, kung saan ang iba't ibang kalahok na mula sa iba't ibang bansa sa Asya ay makikipagtunggali laban sa isa't isa sa isa. Ito ang kompetisyon na kung saan ang mga pinaka-nakakaaliw, ang mga pinakamahusay, at ang mga pinakamagagaling lamang ang maaring manalo at ang magwawagi ay makakatanggap ng $100,000. Alam mo ba na ang nanalo sa kompetisyon na itoay mula sa Pilipinas? Na sa huli, ang mga Pilipino ang nagdala ng pera at karangalan? Sila ay ang El Gamma Penumbra, isang grupo na binubuo ng 27 na Pilipinong lalaki na nagkwekwento gamit ang mga anino na nililikha nila sa pamamagitan ng paggalaw ng sabay-sabay.


Ang El Gamma Penumbra ay nagsimula bilang isang Hip-Hop Dance Group na nagmula sa Tanauan, Batangas. Noong una, sila ay sumasali lamang sa iba't ibang lokal na sayawan ngunit nung sila aysumali sa lokal sa Pilipinas Got Talent- ang lokal na bersyon ng Asia's Got Talent- binago nila ang kanilang uri ng pagtatanghal sapagkat marami na ang sumasayaw ng hiphop. Sa huli ay nakaabot naman sila sa Grandfinals ng lokal na bersyon ng pangunahing panoorin. Sila ay nanalo ng ikaapat na puwesto.
Sa paglipas ng panahon ay nag-audition naman sila sa Asia's Got Talent at sila ay nakaabot sa grandfinals. Noong May 7 2015, ang unang bahagi ng grandfinals, ang natitirang 9 na kalahok ay ay naglaban- laban muna sa Marina Bay Sands. Ang El Gamma Penumbra ay binigyang interpretasyon at bagong buhay ang kantang Colors of The Wind na mula sa Disney's animated film, Pocahontas, na kung saan nagbigay pansin sila sa isyung pagÂaalaga at pagbibigay halaga sa ating mundo, sa ating planeta na gamit ang kanilang mga anino.
Noong May 14 2015, ang pangalawang bahagi ng grandfinals na kung saan opisyal na ipinahayag na sila ang nagwagi sapagkat sila ang nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa mga taong nanood. Ibinigay sa kanila ang $100,000 at ang oportunidad na muling magtanghal sa Marina Bay Sands.
"Napakalaking karangalan kung kami ang mananalo sa Asia's Got Talent.", sambit ng El Gamma Penumbra. Nang malaman nila kung sino ang nagwagi, sila ay nagbunyi sapagkat inaalay nila ang kanilang pagkapanalo para sa lahat ng mga Pilipino: "Laban natin ito. Para sa inyo ito. Mabuhay Pilipinas!". Sa pag-uwi nila sa kanilang inang-bayan sa Tanauan, isang probinsya sa Batangas, ay binigyan sila ng napakagarang parada upang sila'y bigyan ng karangalan.
Napakalaking karangalan ito sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Kaunti lamang ang nabibigyan ng ganitong oportunidad na makalahok sa isang kompetisyon na kilala sa buong mundo.
Ipinapakita nila na sa ating panahon ngayon, ang mga Pilipino ay tunay ngang punong puno ng talento. Pinapatunayan nila sa buong mundo na ang mga Pilipino ay may talento na kayang makipagsabayan sa mga ibang lahi.

Panoodin ang ilang pagtatanghal ng El Gamma Penumbra.