

Bagong Henerasyon ng Pilipinas
Milenyal ng Manila

Ang Pilipinas ay isang bansa na mayroong napakalawak at malalim na kasaysayan sapagkat napakarami nitong dinanas sa kamay ng mga banyaga na sumakop sa kanya. Simula pa noong Pebrero 13, 1565- noong unang dumating si Miguel Lopez DeLegazpi sa isla ng Cebu upang itaguyod ang unang pagsakop ng Espanya sa Pilipinas. Naging malupit ang mga Kastila sa mga Pilipino at nakakalungkot man isipin ay maraming mga Pilipino ang napatay at hindi nabigyan ng hustisya. Sa paglipas ng panahin, noong June 12 1898 ay nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa 333 taon ng pananakop ng mga Kastila.
Paano nga ba nakatakas ang mga Pilipino sa mahigpit na pananakop ng mga Kastila? Bago ipinahayag ni Emilio Aguinaldo, puno ng pagmamahal sa kanyang inang bayan, ang kalayaan ng Pilipinas sa Manila, ang kapital ng bansa, ay maraming pangyayaring muna ang naganap na naging dahilan sa pag-aalsa ng mga Pilpino. Mahalaga ang kasaysayan sapagkat ito ang nagbibigay linaw sa ating isipan kung bakit tayo naging ganito. Isa sa mga pinakaimportanteng katauhan sa pakikibaka para sa kalayaan mula sa mga Kastila ay si Jose Rizal, ang pambansang bayani ng mga Pilipino.
Sino nga ba itong pambansang bayani ng Pilipinas?Anong klaseng tao ba siya? Si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ipinanganak noong June 19, 1961 at siya ang ika- 7 sa 11 na magkakapatid. Ang kaniyang mga magulang ay sina Francisco Mercado Rizal- isang masipag na magsasaka- at Teodora Alonza Y Quintos- isang ganap na babae na mayroong hustong edukasyon, na mainam at kagalanggalang. Sa kanyang kamatayan, siya ay binaril sa likod noong December 30, 1896, sa Bagumbayan- ang lugar na sa paglipas ng panahon ay nakilalang Luneta Park sa Manila.

Sa 35 na taon ng kanyang buhay ay naipakita niya na ang mga Pilipino ay mayroong kakayahan na patunayan sa mga tao na hindi sila mga mangmang at walang kwenta. Si Jose Rizal ay talagang kamanghamangha sapagkat tunay ngang hindi siya isang karaniwang ta. Siya napakatalino kung saan talagang marunong siya sa iba't- ibang lugar ng karunungan sapagkat siya'y isang polymath. Noong bata pa lamang siya ay talagang naipakita na niya kung gaano kabilis umintindi at umunawa ang kanyang utak at ang kanyang ina ang tumulong sa kanya na lalong matuto, siya ang naging una niyang guro.
Si Jose Rizal ang sumulat ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere kung saan pinapakita ng pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito rin ang kanyang naging sandata upang gisingin ang kamalayan ng mga Pilipino at hinihikayat niya ang mga ito na mag-alsa at lumaban. Siya'y nakapaglakbay din sa Europa, sa Amerika, at sa Asya, Siya ay nakakapagsalita ng ibat ibang wika. Kabilang na doon ay ang Arabic, Catalan, Chinese, English, French, German, Greek, Hebrew, Italian, Japaneese, Latin, Malayan, Portugese, Russian, Sanskrit, Spanish, Tagalog, at iba pang lokal na linggwahe. Tunay na dapat siyang ituring na isang marangal na henyo at bayani. Noon, siya ay kilala bilang isang kilalang arkitekto, manlilikha, negosyante, magsasakang siyentipiko, mananalaysay, imbentor, lingguwista,
musikero, nasyonalista, naturalista, nobelista, opthalmic siruhano, makata, tagapagpalaganap, sikologo, eskultor, sosyolohista, ekonomist, guro, isang siyentipiko na nagtitimbang at nagkokompara ng iba't ibang pagkakilanlan ng mga
tao, at isang teologo.
Si Jose Rizal ay karapatdapat na maging bayani ng mga Pilipino dahil siya ang naging daan upang makalaya ang Pilipinas sa mga Kastila at siya din ang dahilan kung bakit palaban at matatag ang mga Pilipino ngayon. Sa kanyang mga gawain at malasakit, nabigyan niya ng hustiya ang dinanas ng mga Pilipino noon sa kamay ng mga malulupit na Kastila. Hindi matutumbasan ng pera ang kaniyang ginawa para sa kanyang bayan. Walang sinuman ang kayang pantayan ang kanyang ginawa sapagkat siya lamang ang nagiisang Jose Rizal.
Kung iisipin natin, itinayo ang Rizal Park sa Manila upang ipaalala sa mga tao ang kabayanihan ni Jose Rizal ngunit bakit mas inuuna pa ng ibang tao ang pera kaysa sa kanyang iniwang ala-Âala? Mas inuuna ang pagtatayo ng mga gusali sa ngalan ng pera? Ang pagtatayo ba ng Torre De Manila ay isang makatarungan?
Si Jose Rizal ay isang mahalagang bahagi ng kaysaysayan ng mga Pilipino, ang mga mamamayan ng Pilipinas. Ang RizalPark ay isang mahalagang monumento na nagpapaalala ng karunungan at kabutihan ni Jose Rizal. Huwag sana nating hayaan na dalhin tayo ng agos ng pagbabago bagkus ay bigyan natin ng kahit katiting na pagpapahalaga ang ala-ala ng ating bayani. Sa inyong palagay, tama bang isantabi ang mahalagang kasaysayan para lamang sa isang condo? Tama bang itayo ang Torre De Manila?
-------------------------------------------------------------Ano ang Kwento ng Batang Rizal?----------------------------------------------------------
Si Rizal mismo ang nagkwento kung paano naliwanagan ang kanyang murang isip sa isang importanteng katotohanan dahil sa kanyang pinakamamahal na ina. Isang gabi noong kabataan ni Rizal, mayroong pinabasa sa kanyang texto na nakasulat sa wikang Kastila ngunit hindi niya ito naintindihan o naunawaan at mali-mali ang kanyang pagbigkas. Ang kanyang ina ay ikiniwento na lamang ito gamit ang wikang Filipino- isang wika na ginagamit upang maunawaan ng lubos ng mga batang hindi marunong mag Kastila- kaya naman si Rizal, ay pinakinggan ang kwento at bukas na bukas ang kanyang mga mata at isipan tungkol sa bata at matandang gamo-gamo. Habang nakikinig ang batang Rizal, napansin niya ang mga gamo-gamo na lumilipad at umaaligid sa kanyang lampara, kung paano sila kusang lumalapit at namamatay dahil sa init ng apoy ng kandila na nasa lampara. Sa hindi makakalimutang sandaling iyon, habang palayo ng palayo ang boses ng kanyang ina, habang lumulubog sa langis ang sunog na mga gamo-gamo ay naliwanagan ang kanyang isip. Naihalintulad niya ang mga patay na gamo-gamo sa isang bayani. Mula noon, ipinagpatuloy ni Jose Rizal ang kanyang paglago sa iba't-ibang larangan ng buhay para sa kanyang ina, ang tumulong sa kanya upang tahakin ang tamang daan patungo sa pag-unlad.


