top of page

Lungsod ng manila

 Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila) ay ang punong lungsod ng Pilipinas at isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ngunit, ang Manila ay hindi lamang ang kapital ng Pilipinas, madami din ditong magagandang pasyalan na may kontribusyon sa ating kasaysayan. Isa dito ang Intramuros, kung saan ang mga Kastila ay dito dati nakatira. Ang Fort Santiago ay nasa lungsod ng Intramuros, kung saan kinulong si Dr. Jose Rizal bago siya barilin sa Bagumbayan, ngayon ay Rizal Park. Dito rin nagsimula ang relihiyong Kristiyano, kung saan initayo ang Katredal ng Maynila, Simbahan ng San Sebastian, at ang Quiapo Church, kung saan matatagpuan ang imahe ng Poong Nazareno. Nandito rin ang Shangri-La, ang Ang Pambansang Museo at ang CCP. Hindi lang sila sikat sa relihiyon o sa turismo, kundi sa mga taong nagbigay-buhay sa lugar na ito.

 

 

  Bukod sa mga nabanggit, ito pa ang mga magagandang destinasyon sa Manila: Binondo, National Museum at Cultural Center of The Philippines. Ito ay isang purok na nasa loob ng Manila at ito ay mas kilala sa tawag na Chinatown at ito rin ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo sapagkat ito ay tinatag ng mga Kastila bilang isang tirahan na malapit sa Intramuros. Ang National Museum naman ay isang institusyon ng gobyerno na itinayo upang maging edukasyonal, makaagham at kultural na institusyon na nagpapakita ng iba't - ibang ethnographic, anthrop-ological, archaeological at visual artistry ng Pilipinas. Ang huli ay ang Cultural Center of the Philippines. Ito ay pagmamay-ari ng gobyerno na itinayo upang panatilihin, isulong, at palaganapin ang iba't - ibang sining at kultura ng Pilipinas. Ang CCP ay itinayo noon sa pamamagitan ng Executive Order No. 30 s. 1966 ng dating Presidenteng Ferdinand Marcos. 

 

 

  Tunay na walang makakapantay sa ganda at kasaysayan ng Manila. Ayon nga sa kanta na inawit ng Hotdogs, "There's no place like home, Manila" ay nagpapakita kung gaano niya pinapahalagahan ang Manila dahil kahit saan man siya pumunta ay hinahanap-hanap pa rin niya ang Manila, ang lugar na kung saan siya lumaki at nagkaroon ng isip. Sa paglipas ng panahon, ang Manila ay nananatiling isang malaking bahagi ng kasaysayan mula pa sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan. Ito ay hindi kailanman kukupas dahil sa gandang taglay nito at sa kaalaman na binigay nito sa mga tao. 

Manila - Hotdogs
00:0000:00
  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round

Disclaimer: Most of the photos were from Google.

© 2015 by Culture Club

 

bottom of page