top of page

 Walang makakasabi kung ano ang magiging takbo ng buhay. Maaaring ngayon ay nasa ibabaw ka at bukas ay nasa ilalim naman. Maaari din na ang simpleng mamamayan ng Pilipinas ay maging pinakasikat at pinakamayaman na tao sa buong mundo. Katulad na lamang ng mga boksingero, hindi nila alam kung pagkatapos ng laban ay sila ay papalarin na mabuhay pa at manalo. Bilang nabanggit na ang mga boksingero, maraming Pilipino ang nagtatagumpay sa ganitong larangan. Sa napakaraming  mga boksingero sa buong mundo, napakapalad na may mga Pilipino ang tinitingala ngayon. Kabilang dito ay si Manny Pacquaio.

 Ang tunay at buong pangalan ni Manny Pacquiao ay Emmanuel Dapidran Pacquiao. Siya ay ipinanganak noong taong 1978 ng ika-17 ng Disyembre sa syudad ng General Santos, sa probinsya ng Mindanao. Noong nasa ika-6 na grado pa lamang siya sa kanyang pag-aaral ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang na sina Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran. Nakapagtapos siya ng elementarya sa General Santos City ngunit ng siya’y 14 na taon na ay tumigil siya ng pag-aaral sa high school dahil sa kahirapan.



 Si Manny Pacquiao ay naglayag papuntang Maynila sa murang edad upang tuparin ang kanyang pangarap na maging boksingero at makaahon sa kahirapan. Sa edad na 16, siya’y sumabak na sa kanyang pinakaunang laban sa isport na boksing. Natalo niya ang kanyang kalaban na si Edmundo Ignacio at ito ang naging simula ng kanyang daan sa tagumpay sa larangan ng boksing. Noong Disyembre ng taong 1998, nakuha niya ang kanyang pinakaunang titulo na “World Boxing Council (WBC)”. Lalo pa siyang nagpursigi sa kanyang pangarap at ngayon nga’y kitang-kita naman natin na malayo na ang kanyang narating.

 Sa lahat ng kinitang kayamanan at mga parangal na nakamtan ni Manny Pacquiao sa kanyang trabaho ay hindi pa rin niya nakakalimutang magpasalamat sa Maykapal at nananatili pa rin siyang mapagkumbaba. Kahit mayaman na siya, hindi niya pinagyayabang ang kanyang mga kayamanan dahil tunay nga na isa siya sa mga pinakamapagkumbaba na tao at nakikita ang kanyang mabuting asal sa kanyang Philanthropy, sa kanyang kusa sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 


 Kahit marami siyang pinagkakaabalahan, kagaya ng kanyang pageensayo sa boksing, mga gawain bilang isang congressman, ang kanyang mga obligasyon bilang isang lider, isang pastor at ang kanyang mga responsabilidad bilang isang ama, anak, kapatid, at asawa ay hindi niya nakakalimutang magpasalamat sa mga tumutulong sa kanya abutin ang kanyang mga pangarap. Ang bawat laban na kaniyang sinasalihan at ang bawat suntok na kanyang tinatamo ay para sa bayan kaya naman karapatdapat siyang ipagmalaki. Si Manny Pacquiao ay tunay ngang masasabi natin isang magandang halimbawa ng Filipino Pride.

Manila - Hotdogs
00:0000:00
  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round

Disclaimer: Most of the photos were from Google.

© 2015 by Culture Club

 

bottom of page