

Bagong Henerasyon ng Pilipinas
Milenyal ng Manila
Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan. Ang kultura ng Pilipinas ay produkto ng pinagsamang impluwensya ng mga katutubong
tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop. Ang pananakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon nang naging daan upang mabuo ang tradisyon at kultura na mayroon ngayon ang Pilipinas. Ngunit ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas na tumagal ng 333 taon ang may pinakamalaking kontribusyon sa kultura ng Pilipinas. Ang isang patunay dito ay ang wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Ang wikang Filipino ay maraming hiram na salita mula sa Kastila. Ang halimbawa nito ay sorbetes, unibersidad at maging ang salitang Pilipinas na hango sa pangalan ng prinsipe ng Espanya, si Prinsipe Felipe II.

Karamihan din sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ng mga Pilipino ay magkahalong Kristiyano atiba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawattaon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking pista na nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang halimbawa na lamang nito ay sa Manila, ipinagdiriwang nila ang Pistang Sto. Niño at Pista ng Itim na Nazareno. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay kasapi ng Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian katulad ng Pistang Kalimudan sa Sultan Kudarat.
Bago pa man dumating ang mga mananakop sa Pilipinas, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Japan ay may malaking kontribusyon din sa kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim.
Ang wikang Filipino at iba pang wika na ginagamit sa Pilipinas ay maraming hiram na salita sa wikang Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin,hiram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik.
Ito lamang ay pasulyap sa kultura ng mga Pilipino at hindi pa dito nagtatapos ang kanilang kultura. Nakakabighani dahil sa dami ng tradisyon at kultura na naka-ukit sa mga Pilipino, lahat ng ito ay kanila paring isinasabuhay kahit ang iba dito ay ilang daang taon ng isinasagawa. Ito ay hindi kahiya-hiya subalit ito ay dapat na ipagmalaki sa buong mundo. MABUHAY PILIPINAS!